Skip to content
共融社会
标题横幅_01

不同种族人士服务资讯 - 他加禄语 Tagalog

Ang Sangay ng Tesorerya para sa Mga Serbisyong Pinansiyal at ang Kagawaran ng Tesorerya (Treasury Branch para sa Financial Services at ang Treasury Bureau - TsyB) ay naglalayong mapangasiwaan ang alokasyon ng mga mapagkukunan; mapamahalaan ang buwis ng Pamahalaan at ang iba pang mga patakarang may kaugnayan sa pagpapataas ng kita; mapabilis ang mga desisyon kaugnay ng mga pamumuhunan o investment ng pamahalaan; at maisulong ang pagiging isang bukas, patas at makakapagkumpitensiya, pati na ang isang sang-ayon sa inobasyon na pagkuha (procurement) ng pamahalaan na nakahanay sa mga pinahahalagahang para sa mga prinsipyong may kaugnayan sa salapi at iba pang mga hinahangad na layunin ng Pamahalaan. Nilalayon din namin na matiyak na ang mga departamento ng pamahalaan ay tatanggap ng sentral na serbisyong suporta na kailangan upang mabigyan sila ng kakayahan na makapagpanatili at makapag-upgrade ng antas at kalidad ng mga serbisyo na kailangan na ibinibigay nila sa publiko sa isang pamamaraang episyente at sulit. Binibigyan ng TsyB ng napakalaking kahalagahan ang pagtitiyak ng pantay na akses sa mga kinauukulang serbisyo ng lahat ng mga miyembro ng publiko, maging anupaman ang kanilang pinagmulang lahi.

Mga Kinauukulang Serbisyo

  • Sinusuportahan ng TsyB ang (a) Kalihim sa Pananalapi (Financial Secretary) at ang Kalihim para sa mga Serbisyong Pinansiyal (Secretary for Financial Services) at ang Tesorerya (Treasury) ukol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa patakarang pampiskalya at sa taunang Badyet; (b) pangasiwaan ang Gawaing kaugnay ng Alokasyon ng Mapagkukunan (Resource Allocation Exercise) at ang pagsasama-sama ng mga taunang tantiya ng mga gastos ng Pamahalaan; (c) magtiyak ng isang tamang balanse sa pagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko at sa kalidad ng mga serbisyo ng pamahalaan at panindigan ang mga prinsipyo ng maliit na pamahalaan at mabababang buwis, at isulong ang kahalagahan ng salapi sa buong Pamahalaan; (d) suriin ang mga implikasyong pinansiyal ng patakaran at ang mga mungkahing may kaugnayan sa imprastraktura at ang mga aspetong pinansiyal ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa lupain; (e) magbigay ng direksyon ng patakaran para sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kita, at magpanatili ng isang epektibong sistema ng pagkita at pagkolekta; (f) pangasiwaan ang mga pamumuhunan ng Pamahalaan at ang portpolyo ng mga utang; (g) pangasiwaan ang episyente at sulit na pangangasiwa ng mga ari-arian ng Pamahalaan; (h) pahusayin ang pagka-episyente, ang kalidad at ang pagiging sulit ng mga sentral na serbisyong suporta ng Pamahalaan sa mga larangang may kaugnayan sa transportasyon sa lupa, sa pagkuha o procurement, sa paglilimbag at pati na ang mga regulasyon ukol sa pananalapi at pagtutuos o accounting; at (i) pangasiwaan ang ugnayan ng Komite para sa mga Pampublikong Account (Public Accounts Committee) at Komiteng pang Pinansiya (Finance Committee) ng Konsehong Pang-lehislatibo (Legislative Council).

Mga kasalukuyan at pinaplanong hakbang ukol sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng lahi

Mga Serbisyo ng Pagpapakahulugan at Pagsasalin-wika na Isinaayos mula Abril 2023 hanggang Marso 2024